PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

003 - ANG UNA KONG BINILE SA AKING PAG RETIRED BILANG OFW (PART 2)

Hi guys, this is Lynn again.. sa aking pagpapatuloy, bumile po ako ng farm lot sa Pampanga. Ang unang plano ko sa farm ay gawing farm tourism gusto kong pataniman ng ibat-ibang uri ng mga organikong halamang gulay, prutas, herbs, flowering plants & etc.

Subalit, napakahirap po mag umpisa kung sa umpisa pa lang puro negative na ang aking naririnig at wala akong nakukuhang suporta sa familya. Napakahirap sa akin part kung ako lang mag isa ang mag iisip at kikilos upang umpisahan ko ang aking dream na farm tourism lalo na't tulad ko, napakaraming kababayan natin ang mahilig sa pag hahalamanan. At bihira na sa mga millennial ang nakaka alam ng ibat-ibang uri ng gulay at mga prutas. Kung kaya't mga ilang buwan din na nakatiwang wang ang lupa na hindi napapakinabangan.

Dahil, sa walang dumadaloy o napagkukunan ng tubig sa aking farm, ang una kong pinag kagastusan ay ang pag papalagay ng deep well, ang sumunod ay ang pagpapalinis at pagtangal sa mga matataas na talahib.. sa totoo lang sa laki ng lupa hindi kaya ang isang Linggo sa pag lilinis ng lupa. Minsan, ko pa rin binuksan sa aking asawa ang paksa na gawing farm tourism ang farm subalit negative na naman ang sagot. Kasi daw magastos, mahirap at hindi sigurado na maging successful ang plan.. so, negative na talaga.. So, sa madaling salita ang gusto lang niya ay gawing taniman ng gulay upang madaling pag kakitaan. Kaya, ganoon na nga ang nangyari, pinagkatiwala ko sa husband ko upang siya na lang ang bahala sa gusto nyang mangyari. Pero, sa totoo lang hangang ngayon iyan pa rin ang nasa puso kong gawin.. iyan na kasi ang naka tatak na plano ko ng ako pa ay nag tatrabaho sa Middle East bilang OFW.

Maganda naman ang naging resulta ng kanyang pag manage sa farm, nakapag tanim siya ng ibat-ibang klase ng gulay. Kada harvest niya mag tatanim naman siya ng ibang gulay.. ang mga natanim niya ay mga sili na ibat-ibang variety at siling pang paksiw. Nagtanim din ang husband ko ng pipino, sitaw at iba pa..

Ngunit sadyang hindi lahat ng bagay ay successful, dumarating din talaga na hindi naayon ang panahon sa ating mga pananim. Nang nagkaroon ng bagyo nasira ang lahat ng pananim nalunod sa tubig at nalanta dahil sa mga ilang araw sa pagkababad sa baha.. Maiiyak ka na lang sa laki ng pinsala dahil walang mapakinabangan. Malaki rin ang pagod at puhunan na nawala sa amin. Kailangan bumangon muli at ipagpatuloy ang buhay sa pag tatanim. Kung kaya't hanga ako sa mga magsasaka, na hindi sumusuko kahit na nasalanta ang kanilang pananim at patuloy na tumatayo upang patuloy na mabuhay.

Sa ngayon, naisip namin ng husband ko na palitan na muna ng palay ang aming mga tanim, ng sa ganoon ay makapag pahinga na muna sa gastos ang mga tanim na gulay ay kinakailangan na well maintained araw-araw dahil ang mga damo ay walang tigil sa pagtubo maiwan mo lang ng isang araw may damo na kaagad..at kailangan alaga sa patubig ang mga gulay at fertilizer, sa totoo lang halos buong araw ang ginugugol ng husband ko sa bukid kung kayat naisipan namin na baguhin ang aming tanim at magtanim na lang ng palay. Sa ngayon nakatapos na ng unang ani at maganda naman ang naging resulta. Kung kayat inuumpisahan na ngayong Linggo ang pag papatanim ule.. Guys hindi ko kinikwento ito upang ipag yabang. Ang moral lesson, kung may pagkakataon gawin ang gusto sa buhay.. at kung may balak bumile ng farm lot, go for it.. lalo na kung may sapat na pera upang ma improved. Nais ko rin ipa alam na hindi para sa lahat ng tao ang pag tatanim.. kailanga meron kang tiyaga at sipag. Lalo na ang sapat na kaalaman sa pag tatanim. So, guys hangang sa susunod na blog ko.. maraming salamat sa inyong pag babasa.. naway may na inspire ako sa aking kwento hangang sa susunod.. please subscribed para ma notify kayo pag may bago akong blog. Regards sa inyong lahat.. and God Bless you all!

Ito ang aking farm ngayon, hindi po iyan ilog. Pinatubigan muna ang lupa upang mapunlaan ng palay.
























Mga Komento