PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

Hi guys welcome to my website..

Itong buwan ng March 'till June ay panahon ng santol (cotton fruit) sa Philippinas. Kung kaya't dagsa ang prutas na santol sa mga may puno ng santol at maging sa pamilihan publiko.

Dahil panahon ng santol ay naisip kong mag share ng aking simpleng recipe ng ginataang santol. Ito ay masarap na side dish at lalo kayong gaganahan kumain. Napakasarap iterno sa kahit na anong prito o inihaw. Siguradong magugustuhan ng inyong pamilya at mapa pagkitaan pa kung inyong gagawing negosyo.

Ginataang ay isa sa paboritong pagkain ng mga Filipino lalong-lalo na ng mga Bicolanos na niluto sa gata (coconut milk) at napakaraming sili. 

Ang aking recipe ng ginataang santol ay napaka simple lang at walang halong karne, manok or seafoods pero napakasarap at masustansya. Subalit kung gusto nyong haluan ay maari ninyong lagyan upang mas lalong sumarap

Ginataang Santol Ingredients:
20-25 pieces of grated santol (medium size)
1&1/2 to 2 cups of coconut milk
1/2 cup of bagoong alamang
6 cloves or 1 head of garlic
1 big onion
6 pieces or more chillies (as many as you want)
1/2 teaspoon ground pepper
1/2 teaspoon magic sarap (optional)
oil
salt to taste if needed.

Note: Kung gusto nyo na marami ang inyong lulutuin na ginataang santol ay doblehin lamang ang mga ingredients. Maari nyong pagkakitaan ang ginataang santol tiyak kikita kayo sa kadahilanan na mura lang ang mga ingredients

*Ilagay lahat ng nabalatan na santol sa isang malaking lalagyan na may tubig. Lagyan 3 kutsarang
asin at 1 kutsarang suka upang hindi magkulay brown ang binalatang santol. Matapos ang ilang minuto, tangalan ng buto ang mga santol at ibalik sa tubig na may asin ang laman ng santol. Ilagay sa isang malinis na bowl ang mga buto ng santol, itabi at huwag itapon.

Matapos ihiwalay ang laman at buto ng santol, maari nyo ng gamitan ng pangkudkod ang mga laman ng santol upang ito ay makayod ng maliliit. Subalit kung kayo ay may blender, mas maige na gamitin iyon upang madaling makayod and laman.

Sundin nyo ang mga procedure ng pagluluto ng ginataang santol sa aking youtube video.








Please click to watch the video.

Nawa'y inyong nagustuhan ang aking recipe ng ginataang santol. Subukan ninyong lutuin upang inyong matikman. Tiyak kayo ay masasarapan at uulit-ulitin iluto. Maganda rin na gawin upang pang dagdag pangkabuhayan.

**Note: Huwag ninyong itapon ang mga buto ng santol na inyong hiniwalay. Makakagawa din tayo ng masarap na santol jam, palaman sa tinapay sa mga buto na tinangal natin. Hindi iyon masasayang, masarap na palaman sa tinapay at maari nating pagkakitaan. Sa susunod aking ituturo sa inyo kung paano gumawa ng santol jam.

Hangang sa muli, maraming salamat sa pag bisita sa aking website.. muli ko kayong hihintayin sa susunod na post ko.. Ingat kayong lahat.. Stay safe and keep healthy.. God Bless Us All.


For business and affiliation you can send me an email to: senioritywise@gmail.com

Please support also may YouTube channel by share and subscribed at: Senioritywise Vlogs.





Mga Komento