PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

FOOD TRIP - SINIGANG NA HIPON AT MANOK NA MAY GATA

Hi guys, this is Lynn Garcia of senioritywise.. Once again, i would like to thank you all for coming back to view my site.

Guys late upload na ito, last 11 August 2016 pa ito. Habang ako ay nasa opisina naka tangap ako ng message sa messenger ko galing sa aking bff na si Pay. Sinabi niyang naka off daw siya at magluluto siya ng sinigang na hipon at manok na may gata para sa aming hapunan pag uwi ko. Sa isip-isip ko..wow may libre na naman akong kakainin sa hapunan..hohoho.. Ganyan lang naman kami ni Pay dito sa Saudi  ang bonding namin kapag naka day off ay magkainan. Sa totoo lang mas gusto pa namin dito sa flat namin kaysa lumabas kasi mas comportable at mas masarap pa ang lutong bahay. At ang higit sa lahat hindi magastos.. Talagang ganyan si Pay ang sipag magluto at saka kahit na pagod sa duty nagagawa pa niya na magluto. Sa totoo lang na mis ko na nga ang bonding namin.. lalo na ang mga luto nya.. ewan ko ba bakit pag iba ang nagluluto ay sarap na sarap ako samantalang marunong naman ako magluto. Siguro, talagang ganyan pag marunong kang magluto kinasasawaan mo ang sarile mong luto at mas gusto mo pa kumain pag iba ang nagluto. Pero guys, hindi ako basta-basta nag aapreciate ng luto pag sinabi kong masarap..ay naku talagang masarap.

Ito nga pala ang larawan na kinunan ko habang kami ay kumakain. Napansin nyo ba? Parang may kulang sa aming hapag di po ba? Walang kanin.. naku si Pay pa..talagang hindi nagluluto siya ng kanin kasi nga ang figure..hahaha.. Nasanay na rin ako sa kanya kapag nag imbita iyan sa flat niya para kumain asahan mo walang kanin. Pero, okey lang naman sa akin, eh di magpakabusog sa gulay at magpapak ng ulam..hahaha..
Sa mga viewers ko na ngayon pa lamang nag aaral magluto ito ang masarap na ulam na madaling lutuin. Madali lamang magluto ng sinigang na hipon at manok na may gata. Ang recipe na ibabahagi ko ay napakasimple lamang. May mga kanya-kanya tayong style sa pagluluto depende lamang iyan kung ano ang gusto mong isahog sa mga lulutuin mo.
Ang mga sumusunod ay ang recipe ko sa pagluluto ng Sinigang na Hipon at Manok na may Gata.

SINIGANG NA HIPON
1/2 kilo hipon
2 pirasong kamatis (katamtaman laki)
1 pirasong sibuyas
1 or 2 tali ng kangkong (kung walang kangkong pwede ang pechay or lettuce)
1 pirasong labanos (katamtaman laki)
2 pirasong sili pangsigang (maaring wala)
2-3 tasa na tubig (dagdagan o bawasan ayon sa gustong dami ng sabaw)
instant sinigang sa sampalok powder (paasim)
patis or asin
paminta (maaring wala)

Paraan ng pagluluto:
Maglagay ng 2 or 3 tasa ng tubig sa katamtaman laki na kaldero at ilagay ang hiniwang kamatis, sibuyas, labanos at sili pakuluin. Kapag kumulo na ilahok ang hipon at pakuluin muli ilagay kaagad ang gulay timplahan ng paasim, patis at paminta ng naayon sa pang lasa. Kapag naluto na ang gulay ay pwede ng ihain.

Paalala: Maaring magdagdag ng gulay katulad ng okra at sitaw. At maari din gamitin na gulay ang talbos ng kamote.

MANOK NA MAY GATA
1 kilo dressed chicken
1 katamtaman laki na luya
1 malaking sibuyas
2 kamatis (maaring wala)
4-5 butil na bawang
2 lata ng gata ng niyog
1/2 tasa na tubig
3-4 pirasong katamtaman laki na patatas
1-2 siling pang sinigang (maaring wala)
1-2 kutsara ng ginisang bagoong alamang (ayon sa panglasa)
1 tsp patis
2 kutsang mantika

Paraan ng pagluluto:
Sa isang katamtaman laki ng kaldero or kawali, igisa sa mantika ang bawang, kamatis, sibuyas at luya. Idagdag ang manok at haluin lagyan ng patis at takpan ng 1 minuto at ilagay ang tubig  pakuluin ng bahagya at ilagay na ang patatas at sili pakuluin hangang sa medyo matuyo ng konti ang tubig. Ilagay ang gata pakuluin muli hangang sa lumambot ang manok at patatas. Timplahan ng bagoong at patuyuin ng bahagya ang gata at maaari ng ihain.

Paalala: Maari nyong isahog ang sariwa o nasa latang langka imbes na patatas.

ENJOY EATING...

To receive free notification please click subscribe to be informed of my new post. You can send your comments or suggestion to my email at senirotywise@gmail.com. Have a nice day everyone and God Bless us..



Mga Komento