- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hi there, this is Lynn Garcia
once again of senioritywise blog.. Wishing everyone would be in the best of
health always..
Kahapon, ika-3 ng Agosto
2016 napagkasunduan naming ng anak kong si Loraine na mag “lunch break” sa
isang “restaurant” na nasa loob ng aming pinapasukan hospital. Para maiba
naman, gusto naming kumain ng pagkaing Filipino. Madalas kasi doon kami
kumakain sa “Cafeteria” na para sa mga empleyado ng hospital na mas mura ang
mga halaga ng pagkain.
Dito sa aming pinapasukan marami kang mapag pipiliian na makakainan na “restaurant” na nakapaligid sa loob ng “ground” ng hospital ayon sa gusto mong putahe. At bukod pa doon, marami rin na naka pwesto sa ibat-ibang bahagi ng hospital na “Starbucks at Dr. CafĂ©” para sa mga mahihilig sa kape kaya walang dahilan na ikaw ay malipasan ng gutom lumabas ka lang ng opisina mo may mabibile ka kaagad na makakain maliban lang kung wala kang pera..hahaha. Siyanga pala, meron din mga “vendo machines” sa bawat sulok ng mga departments na may ibat-ibang klaseng “sandwhiches at coffee flavors”.
Dahil sa napakainit sa labas na nasa 45°C ay minabuti namin ng anak ko na doon na lang sa turo-turo kumain (Al-Nafoura Restaurant). Tinawagan ko na kaagad ang anak kong si Loraine para makakain ng maaga at upang magkita kami sa hallway ng 11:00am kasi kapag inabot kami ng 12:00nn ay napakarami ng mga empleyado na nakapila at malamang sa pag pila pa lang ay maubos ang isang oras naming “lunch break”.

Nang nakarating kami sa turo-turo
nakita naming kaagad ang ginisang ampalaya na matagal ko ng gustong kainin
dahil madalas ay puro Mediterranean food ang aming nakakain na pananghalian sa
cafeteria. Dito kapag ang pagkain ay ordinaryong Filipino food katulad ng gulay
iyon ang madaling maubos lalo na kung masarap ang pagkaluto. Kaya, samadalit
sabi ang aming inorder ay ginisang ampalaya, lechong baka, hipon na may green
peas & mushroom at sinamahan na rin naming ng lumpiang shanghai.
Nang araw na ito, masarap ang
kain naming ng anak kong si Loraine busog to the max. Pero sa kabusugan
hindi na ako nakakain ng hapunan nag prutas na lang ako syempre
kailangan din mag watch ng diet..hahaha.
Sa mga readers, na gustong malaman
ang recipe ng ginisang ampalaya at lumpiang shanghai gusto kong ibahagi ang
aking kaalaman. Simpleng pagkain lang ito pero masustansya, masarap at higit sa lahat mura pa.
GINISANG AMPALAYA
Mga sangkap:
1 maliit na sibuyas (balatan at hiwain ng katamtamang nipis pangisa)
2-3 butil ng bawang (dinikdik o hiniwa ng pino)
2 katamtamang laki na kamatis (hiwain na pangisa)
¼ kilo hipon (linisin, balatan at hiwain ng katamtaman)
2 itlog (binate)
1 tasang tubig
1 kutsarang patis
asin at paminta para panglasa
Instruksiyon:
1. Hugasan ang ampalaya at hiwain
ng pahaba, tangalin ang mga buto sa pamamagitan ng kutsara. Hiwain ng katamtaman nipis na pahalang,
ilagay sa malukong na may tubig. Alisin ang tubig kapag kailangan na.
2. Ihanda ang kawali o kaldero at ilagay ang mantika sa katamtamang init. Ilagay ang sibuyas at bawang haluin bahagya matapos ang kalahating minute ilagay ang kamatis haluin at kung malambot na ay pitpitin hangang madurog ng bahagya.
3. Ilagay ang patis, lutuin ng isang minute. Ilagay ang hipon na hiniwa haluin ng bahagya hangang sa magkulay pula ang hipon.
4. Ilagay ang tubig at pakuluan ng 5 minuto. Idagdag ang ampalaya huwag hahaluin hangat hindi kumukulo. Haluin ng bahagya at lutuin ng 2-3 minuto o hangang maluto na medyo malutong o ayong sa inyong gustong lambot na pagkaluto.
5. Ilagay na kaagad ang binateng itlog paikot dahan-dahan at haluin ng bahagya. Ipagpatuloy pakuluin ng 1 minuto. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panglasa. Ihain ng mainit.
Paalala: Ang recipe na ito ay ayon lamang sa aking kaalaman. Marami pa rin kayong pwedeng ihalo na rekado sa pagluluto ng ginisang ampalaya pwede ninyong sahugan ng manok, baka at iba pa. Yung ibang recipe para mawala ang pait ng ampalaya ay binababaran nila ng asin at lalamasin saka hinuhugasan bago gisahin (hindi ko ginagawa ito para hindi matangal ang sustansya). Kung kulang sa budget pwedeng wala ng hipon.

LUMPIANG SHANGHAI
Mga sangkap:
½ kilo giniling na manok or baka
½ tasa dahon ng sibuyas (hiwain ng katamtamang pino)
1 katamtaman laki na sibuyas (hiwain ng pino)
1 malaki na carrots (balatan at gadgarin ng katamtamang pino)
4-5 butil na bawang (balatan at hiwain ng pino)
1 binateng itlog
1 kutsarang harina (pwedeng wala)
1 kutsarang asin (dagdagan ng ½ kung kulang sa lasa)
1 kutsaritang paminta
50 piraso na springroll wrappers
Mantika (pang prito)
Instruksiyon:
Instruksiyon:
1. Sa isang malukong ay paghaluin lahat ng mga rekado
maliban sa mantika at wrappers.
2. Paghiwalayin ang mga wrappers bawat isa takpan ng plastic para hindi manigas.
3. Kumuha ng isang pirasong wrapper at lagyan ng hinalong karne ng tig 1 kutsara at ikalat ang karne ng pahaba na paguhit sa gitna ng wrapper at itupi ang wrapper upang matakpan ang karne at I rolyo ang wrapper hangang sa umabot sa kabilang dulo ng wrapper. Dampian ng konting tubig upang masara ang wrapper. Ulitin hangang sa maubos ang lahat ng wrappers. Hiwain ng 2-3 hati ang bawat isang hilaw na shanghai (ayon sa kagustuhan ninyong haba).
4. Ihanda ang frying pan at sa katamtaman init lagyan ng mantika na at prituhin ang lumpia huwag pagsabay sabayin ikutin maminsan minsan hangang sa maging malutong at magkulay “golden brown”. Tangalin sa mantika at ihain ng may kasamang “sweet and sour sauce” or “ketchup”.
SWEET AND SOUR SAUCE
Mga sankap:
1 tasa pineapple juice

½ tasa suka
¼ tasa ketchup
½ tasa asukal (brown sugar)
1 kutsarita salt
1 kutsara harina (cornstarch)
1 kutsara mantika
½ maliit na bell pepper (pwedeng wala)
Instruksiyon:
1. Sa isang malukong paghaluin ang lahat na sangkap maliban sa mantika at harina. Haluin maige hangang matunaw ang asukal at asin. Idagdag ang harina haluin hangang ang lahat ay matunaw.
2. Ihanda ang maliit na kaldero at paainitin sa katamtaman init ang mantika. Ilagay ang pinaghalong sangkap haluin ng palagian hangang kumulo ng 5 minuto haluin hangang lumapot ang sauce at isunod ang hiniwang bell pepper pakuluin ng 1 minuto at ilagay sa isang tasa at ihanda kasama ang lumpiang shanghai.
HAPPY EATING!

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento