PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

FOOD TRIP - BUHAY OFW FILIPINO FOOD: KALDERETANG BAKA AT GINISANG UPO

Hello everyone, this is Lynn Garcia of senioritywise blog.. Wishing everyone would be in the best of health always and may God almighty bless you all..

Nang nakaraang Huwebes, ika 4th August 2016, sa turo-turo (Al-Nafoura Restaurant) ule kami nag “lunch break” ng aking anak na si Loraine medyo nasarapan kasi kami kahapon sa menu nila. Meron naman si Loraine na pagkain na binile ng kanyang asawa sa isang nagtitinda na isa rin empleyado dito pero ginusto niya na dito na lang kainin sa kakainan namin.
 

Hindi ninyo natatanong may mga nag titinda rin dito na patago parang katulad sa Pilipinas may mga nagtitinda ng balot-balot na pagkain tanghalian o meryenda sa mga opisina. Karamihan ang mga nagtitinda ng ganyan dito ay iyong medyo may kababaan ang sweldo para pangdagdag na rin sa kanilang kita upang malaki-laki ang maipadala nila sa kanilang pamilya. Kaya nasabi kong patago kasi mahigpit na ipinag babawal ng pinapasukan naming hospital ang mag benta ng kahit na anong uri pagkain man o kahit anong bagay, lalo na sa oras ng trabaho. Subalit marami pa rin ang gumagawa ng ganoon, dahil may mga tumatangkilik na kapwa empleyado bilang tulong na rin sa kanila.

Sadyang maabilidad lang talaga ang mga Pilipino na kahit na nasa iba silang bansa at namamasukan bilang OFW ay makakagawa pa rin sila ng pang dagdag sa kanilang buwanang sahod. Sa totoo lang yung mga kababayan nating Pilipino na nabangit kong may kababaan ang sweldo na nag tatrabaho dito ay hindi naman talagang mababa ang kanilang sweldo at benepisyo kumpara sa mga nag tatrabaho sa mga private establishment dito sa Saudi Arabia, nagkataon lang na yung trabaho nila ang may mababang pay scale sa ospital na aming pinapasukan.

Nang nakarating kami sa turo-turo ay medyo marami ng tao sa pila kasi 11:45pm na kami nakapasok doon. Kapag umabot ng 12:00nn malamang puno na ang lahat ng mga bakanteng lamesa. Ang inorder ko sa turo-turo ay kalderetang baka, ginisang upo at panghimagas na fruit salad, buko pandan naman ang kay Loraine. Ang dala ni Loraine na inorder ng asawa niya sa nagtitinda ay shanghai at tapsilog na may kasama ng kanin. Pinaghatian naming mag ina ang pagkain namin hindi ko rin kasi mauubos mag isa yung mga inorder ko. Tumikim na lang ako ng konti sa mga dalang pagkain ni Loraine pero mas gusto ko syempre yung bagong lutong pagkain sa turo-turo.
 
 
Sa mga gustong malaman ang recipe ng kalderetang baka at ginisang upo narito po sa ibaba ang mga recipe.

 
KALDERATANG BAKA

Mga Sangkap:

1 kilo karne ng baka (hiwain ng pa kuadrado na ayon sa gustong laki)
¼ atay ng baka (hiniwa na katamtaman laki)
¼ kilo hiniwang hotdog (pwedeng wala)
6 butil na bawang (pitpitin at hiwain ng pino)
2 katamtamang laki na sibuyas (hiwain ng manipis pangisa)
6 kamatis (hiwain na pangisa)
2 pulang bell peppers (hiwain ng pahalang)
2 berdeng bell peppers (hiwain ng pahalang)
½ tasa green olives (pwedeng wala)
3-4 piraso ng hiniwang siling maanghang (pwedeng wala)
½ cup mantika or olive oil
kutsarang tomato paste
½ tasang all-purpose cream (dagdagan kung kinakailangan)
½ tasang ginadgad na keso (dagdagan kung kinakailangan)
3 tasang tubig
2 kutsarang cornstarch (tinunaw sa 1 tasang tubig)
Asin at paminta pang lasa


Paraan ng pagluluto:

1. Ihanda ang kaserola ilagay ang mantika sa katamtamang apoy at igisa ang sibuyas, bawang at kamatis.

2. Ilagay ang karne at atay ng baka haluin at pakuluan ng 10 minuto at alisin ang atay sa kaldero gadgarin at itabi.

3. Ilagay ang tubig at tomato paste haluin at pakuluin hangang sa lumambot ang karneng baka. Kapag natutuyuan ng tubig at hindi pa lumalambot ang karne dagdagan ng 1 tasang tubig. Kapag medyo malambot na ang karne lagyan ng konting asin at paminta na ayon sa inyong panlasa.

4. Ilagay ang hotdog, olives, bell peppers pakuluin at isunod ang tinunaw na cornstarch haluin ng bahagya at ilagay ang ginadgad na atay.

5. Palaputin ang sabaw ng bahagya ilagay ang all-purpose cream at ginadgad na keso.

6. Ihain ng mainit.

Paalala:  Puwede nyong lagyan ng patatas at carrots.


GINISANG UPO NA MAY HIPON

Mga Sangkap:

1 katamtamang laki na upo (hiwain ng maliliit na pa kuadrado o pahalang)
¼ kilo hipon (linisin, balatan at hiwain ng maliit)
4-5 butil na bawang (pitpitin at hiwain ng pino)
1 katamtamang laki na sibuyas (hiwain ng manipis na pangisa)
2 katamtamang laki na kamatis (hiwain ng manipis na pangisa)
3 kutsarang mantika
½ kutsaritang asin (dagdagan ng ayon sa panglasa)
½ kutsaritang durog na paminta
2 kutsarang tubig

Paraan ng pagluluto:

1. Ihanda ang kaserola ilagay ang mantika sa katamtamang apoy at igisa ang sibuyas, bawang at kamatis.

2. Ilagay ang hipon haluin ng bahagya, lagyan ang 2 kutsarang tubig at hintaying kumulo.

3. Ilagay ang hiniwang upo, takpan ang kaserola at pakuluin ng 6 minuto.

4. Idagdag ang asin at durog na paminta.

5. Ihain ng mainit.


ENJOY EATING!




Mga Komento