PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

002 - ANG UNA KONG BINILE SA AKING PAG RETIRED BILANG OFW (PART 1)

Hi Guys, kamusta kayong lahat.. nandito ule ako upang ipag patuloy ko ang kwento ng aking buhay ng ako ay mag "for good" sa pagiging OFW for more than 20yrs ng pag tatrabaho sa Middle East. 

Ang aking experience sa pagiging OFW ay masaya na malunglot. Masaya dahil nabibigay ko sa familya ko ang kanilang panganga ilangan tulad ng mga gastusin sa kanilang pag aaral, nandoon na ang kanilang monthly allowances, food and other expenses at naka pag provide pa ako sa mga anak ko ng tahimik, safe at maayos na tirahan. In short, nakaka siguro ako na secured ang mga anak ko at lahat ng kanilang pangangailang "financial" ay aking naibibigay sa kanila. Subalit, tulad ng sabi ko malungkot dahil nag silakihan ang mga anak ko na hindi ko nasubay bayan ang kanilang pag laki at pagiging teenager. Maraming taon ang nawala na hindi ko sila nakakasama, tulad ng kanilang birthday's, pasko at bagong taon at halos lahat ng mahahalagang okasyon sa kanilang buhay. Hangang sa ang dalawa sa mga nakakatanda kong anak ay nagsi asawa. Maging ang kani kanilang graduation sa elementary at high school ay hindi ko nadaluhan. At higit sa lahat, tuwing sila ay nagkakasakit hindi ko sila maasikaso o matulungan upang guminhawa ang kanilang karamdaman. Ang tanging natatandaan ko lang na nadaluhan ko na college graduation ay yung tatlo kong anak na nakakabata, Proud ako na nakatapos ng college ang mga anak ko, siguro kung nandito lang ako nag tatrabaho sa Pilipinas ay hindi ko sila mapapag tapos dahil sa hirap ng buhay dito sa atin.

Ngayong nandito na ako sa ating bansa, kahit pala napa graduate na natin ang ating mga anak, may takot pa rin akong nararamdaman.. kasi, wala na akong mapag kukunan ng pangastos araw-araw ang pera na dala ko mula sa aking pag tatrabaho sa Middle East ay unti-unting nababawasan at ang lahat ay palabas. Wala kasi akong naumpisahan na negosyo ng nasa abroad ako upang maging pagkakitaan ko sa aking pag uwi. Meron sana, sinubukan ko subalit hindi nagtagal nalugi lang ako at aking pina sarado. Naging malaking aral sa akin ang pag pundar ng negosyo na hindi ako mismo ang nag aasikaso. Napakahirap magpundar ng negosyo kapag hindi mismo tayo ang mag palakad, mahirap makakuha ng taong mapapagkatiwalaan at may malasakit. Aking napag tanto na walang ibang magbibigay ng malasakit sa ating negosyo kundi ang sarile natin. Masuwerte ang nasa abroad, na may mga taong nagbibigay malasakit at importansya sa kanila at nakapag pundar ng negosyo sa tulong ng kanilang pamilya at kaibigan. Konti lang ang may mga pamilya o kaibigan na magbibigay malasakit sa ating negosyo. Maging ang mga anak natin ay hindi natin maasahan lalo na kung hindi sila interesado sa gusto nating negosyo.

Dahil sa takot kong maubos ang aking naimpok, at dahil na rin sa hilig ko sa pag hahalaman, naisipan kong bumile ng maliit na farm lot upang makapag tanim ng mga paborito kong gulay at mapagkakitaan na rin. Sa ngayon, ang lupa na aking nabile ay pinagtataniman ng mga gulay tulad ng sitaw, pipino, sili at etc.. subalit hindi rin pala ganoon kadali ang pag pa farm marami rin pag kakagastosan at hirap na mapag dadaanan. Hindi rin pwedeng basta-basta lang tayo magtanim.. kailangan din ang sakripisyo, tiyaga at pagmamahal sa ating mga pananim. Guys, sa susunod na blog ko ay aking iku kwento ang mga pananim ko sa aking farm.. Bye for now.. 'till my next blog.. God Bless you all..








The pictures above, shows my farm. And harvesting sitaw to sell. I hope, nakapag bigay ako ng konting inspirasyon sa inyong lahat.. please subscribe para ma update kayo sa mga susunod kong blog.. maraming salamat po sa inyong pag babasa hangang sa matapos.. 




Mga Komento