PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

001 - MATAPOS ANG MAHABANG PAHINGA BILANG OFW

Hi guys, this is Lynn Garcia.. balik na naman ako sa aking blog matapos ang mahabang pahinga bilang OFW. Pasensya na kayo guys, alam kong may mga ilan na sumusubaybay sa aking blog.. sorry po talaga kung matagal akong natigil sa aking pag ba blog. Nang ako ay nakabalik na sa Pilipinas parang nanibago ako. Parang ang lahat ay huminto sa akin. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Parang natakot po ako sa realidad.. sa isip ko ito na ang totoo.. balik na sa Pilipinas for good.. marami akong nasa isip, kung paano na ang aking mga anak kung paano kami makakaraos sa araw-araw dahil ng time na iyon ang aking dalawang anak ay kukuha pa lang ng licensure exams at kailangan pa nila kumuha ng review class. Kung kaya't ang lahat ng gastos ay nakapasan parin sa akin. Mayroon man ako naipon pero, kinakailangan na aking tipirin upang mayroon kami ng makukunan sa aming pangangailangan. Ang regret ko rin ay hindi ko napag handaan ang aking retirement tulad ng SSS. Kulang ang aking contribution at hind naging sapat ang aking naihulog upang makapag file ako ng monthly pension. Kaya guys, kung kayo ay nasa ibang bansa at may kakayahan na ipagpatuloy ang inyong SSS huwag nyong pabayaan sacrifice lang ng konti sa pag huhulog ng inyong contributioh.. malaking bagay na mayroon kayong nakukuhang monthly pension. Mahalaga sa atin lalo na pag naging senior citizen na kayo, mas maganda kung mayroon tayong sariling pera kaysa umasa sa ating mga anak. Sa paghinto ko sa aking pag blog, naging abala po ako sa aking mga pananim sa aking bakuran, naging stress reliever ko ang aking mga halaman.. malaking bagay po sa akin ang aking pag hahalaman at nakalimutan ko pansamantala ang aking mga problema. Sumali din ako sa mga organization, upang magkaroon ako ng mga kaibigan dahil, mula ng ako'y nag OFW ay iilan na lang ang mga kaibigan ko na malapit sa akin. Nagkataon din kasi na sa Imus ako nakakuha ng matitirhan ng mga anak ko. Nakaka tawa nga ng akoy dumating sa aming tinitirhan na subd., hinarang po ako ng guard sa gate dahil hindi ako kilala ang mga anak ko lang ang kanilang kakilala sa aming lungar. Sa ngayon guys, Okay na ang lahat.. kilala na ako ng guard..hehehe at malapit ko ng matapos ang contribution ko sa SSS bilang voluntary member. May mga kakilala na rin ako sa aming lugar na bumibisita sa bahay at nagkaroon din ako ng maliit na negosyo. Sa ngayon, I'm proud na may kanya-kanya ng work ang aking mga anak. Paminsan-minsan na mi miss ko rin ang buhay ko bilang OFW at ang mga lugar na aming pinupuntahan ng aking mga kaibigan at kinakainan pag wala kaming pasok or rest days..ang lahat ng iyon ay mga memories na lang na magandang balik-balikan sa aking isipan.. Hangang sa muli guys, sisikapin ko na makapag blog araw-araw upang maibahagi ko sa inyo ang mga nangyayari sa aking buhay.. maraming salamat sa inyong pagbasa sa aking blog. Ingat kayong lahat guys.. God Bless you all! 
Graduation pictures ng dalawa kong anak na huling nakatapos ng pag-aaral sa lima kong anak.

Mga Komento