PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

OFW - MY HOUSING ACCOMMODATION

Hello everyone.. Welcome to my site.. it's me again Lynn Garcia of senioritywise.  Thank you all for following my blog. You are all welcome to come back to my site..
Well guys, as promised last time sa blog ko, ipapasyal ko kayo doon sa huling housing ko sa Middle East (please note that this is late upload), hindi nga lang naka video sa pamamagitan ng picture lamang. Don't worry next time, naka video na ang mga ipapakita ko sa inyo para naman hindi kayo mag sawa..hehehe. Actually, sa more than 20yrs na service sa trabaho ko ay naka anim na ako ng lipat ng accommodation. Kasi pwede din kami mag upgrade ng housing namin. Lalo na kapag may bagong natapos na building maari kaming mag apply para magpa reserve sa gusto mong unit. Ngunit depende rin iyon sa availability ng unit at priority yung mas matagal na sa panunungkulan at sa job grade. Ang ipapakita ko lamang sa inyo ay yung huling tinirhan ko. Kasi, yung mga nauna kong housing ay hindi ko na makita ang pictures kung saan ko nailagay.

Bago ang lahat, gusto ko lang mag bigay ng kaunting  advice sa mga viewers ko na may anak, kamag anak o kaibigan na interesadong mag trabaho sa Middle East. Hindi lahat ay maswerte na makahanap ng trabaho na may magandang benepisyo katulad ng housing. Meron naman iba na mapapagtiyagaan na rin kasi may company na sa isang silid ay mahigit sa dalawang tao ang nagmamay ari kaya walang privacy. Sa aking opinion, halos ang mga company na may maayos na housing accommodation para sa mga babae ay mga Hospitals o Medical Institutions. Sa mga lalaki naman ay iyong mga sikat na company sa Middle East subalit karaniwan housing allowance ang binibigay sa kanila at bahala na silang maghanap ng kanilang bahay, na mauupahan. Kaya, kung sila ay mag aapply ng trabaho sa Middle East ay kailangan na magtanong-tanong muna sila kung maayos ba ang kanilang accommodation, kung hindi ba na de delay ang sweldo, may benepisyong medical, paid leave at rest days ilan lamang iyan sa mga dapat alamin bago pumirma ng contrata.
Ang housing ko ay isang building na may sampung palapag at sa bawat isang unit ay solo lang kami na nakatira. Sa bawat unit ay pare-pareho ang style sa loob na katulad ng condominium dito sa Pilipinas. May completong gamit katulad ng oven & stove, refrigirator, tv sala set, telephone, bed, microwave, complete kitchenware's & etc. In short wala ka ng hihilingin pa lahat ng gamit nandoon na pati mga towels, bedsheets, comforter at iba pa. Kung may kailangan ka na gusto mong idagdag sa kitchen mo ay maari kang mag request sa housing supervisor. Sa bawat floor ng building ay may laundry area at nandoon yung mga heavy duty washing at dryer sa kabilang side ay nandoon ang computer room na may seating area. Sa mga viewers ko, gusto ko lang ipaalam na hindi ko pinagyayabang ito gusto ko lang i share sa inyo kasi may mga iba kasing viewers na iniisip nila na lahat ng nag ta trabaho sa Saudi ay nakaka awa ang mga kalagayan dahil na rin sa mga nababalita dito sa atin sa television na mga distress workers. Mayroon din naman mga OFW na maganda ang mga natatangap na benepisyong pabahay sa kanilang employer.

Ito po ang aking unit room #415 

At ito naman ang makikita nyo sa loob ng aming room. Ang mga styles at gamit sa lahat ng rooms sa floor namin ay pare-pareho ang nasa loob. Paumanhin mga viewers and mga larawan na nakikita ninyo lahat sa ibaba ay ang room ng bestie kong si Pay. Dahil sa hindi ko malamang dahilan ay na delete ko ang mga larawan ng loob ng room ko. Marahil ang na delete ko ay sa akin dahil inakala ko na sa aking kwarto kuha ito. Kasi nga magkapareho ang aming mga furniture, appliances at style ng room. Minabuti kong i upload ito para maipakita ko lang sa inyo ang itsura ng aming room.


So, mga viewers ko ayan ang itsura ng aking tinitirhan sa Middle East. Sa susunod na blog ko ang ipapakita ko naman sa inyo ay ang aming cafeteria (canteen).

Maraming salamat sa inyong pag bisita sa aking website. Sana huwag kayong mag sasawa na mag view sisikapin kong mag upload ng bagong topic araw-araw at mabigyan ko kayo ng magandang content sa mga darating na araw. Marahil ay mga video na ang makikita nyo para mas lalo kayong ganahang bumisita dito sa site ko. Have a nice day to all of you..


If you wish, you may click the subscribe on the right side of my website for free notification of my new post. Once again, thank you all.. Regards and God Bless us..










Mga Komento