PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

OFW - MALUNGKOT PAG NATAPOS NA ANG MALIGAYANG BAKASYON

Hello everyone, its me again Lynn Garcia of senioritywise.. I would like to thank you all for following my blog. You are all welcome to comeback always to my site. 

Guys, late upload itong blog ko. Tungkol ito sa aking anak at kanyang pamilya na nasa labas ng bansa, silang mag asawa ay parehong OFW. Marahil inyong natatandaan na aking na i blog na silang mag pamilya na noon ay pauwi pa lamang sa Pilipinas upang mag bakasyon. Sila ay punong-puno ng kasiyahan ng papauwi pa lamang. lalong-lalo na ang aking anak na si Olen dahil iyon ang kanyang kauna unahang bakasyon matapos ang dalawang taon.

Sa kanilang pag bakasyon sa ating bansa ay sasamantalahin na nila na dito idaos ang pagpapa binyag at unang taon ng kaarawan ng kanilang anak. Nang dumating sila ang kanilang anak ay na mamangha sa dami ng tao sa kanyang paligid at iyon din ang kanyang unang pakikipag laro sa kanyang mga pinsan at makita siya sa personal sa unang pagkakataon ng pamilya at kamag anak ng kanyang mga magulang. 

Sa maikling panahon ng kanilang bakasyon ay dito na marahil natutong kumain ng kanin na may sabaw ang aking apo dahil lagi na lamang ang kanyang bote ng gatas ang kanyang hawak tuwing siya ay nagugutom, nakikita kasi niya ang kanyang mga pinsan na sinusubuan ng pagkain kaya nakiki subo na rin siya kahit wala pang ipin. At marunong na rin makipag agawan ng laruan. Ang apo ko ay masaya lalong-lalo na kapag siya ay pinapasyal kasama ang kanyang pinsan na "bagets" din katulad niya sa labas ng kanilang bahay paikot sa subdivision na kanilang tinitirhan. Marahil dito na rin natuto ang aking apo na matuto ng mabilis na pag gapang at lakas ng loob sa pagtayo. Maging ang kanyang mga magulang ay sinasamantala din ang bakasyon na laging makapamasyal silang mag anak kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya. Kanila din gustong makain ang mga pagkain na kanilang pinapangarap na ulam, prutas at kakanin. Ang higit sa lahat ay makapag pahinga ng walang ibang alalahanin at kalimutan pansamantala ang iniwang trabaho sa ibayong bansa.

Sa ngayon silang mag pamilya ay nakabalik na sa Middle East, ng 6 Oktubre 2016 na mabigat ang loob at lungkot sa mga mata at damdamin dahil sa mga iiwan nilang mga ka pamilya at kaibigan isang taon na naman ang bibilangin upang makabalik na muli sa sariling bayan. Ngunit baon naman nila ang mga magagandang alala sa kanilang maikling bakasyon na may kasamang munting pangarap para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya at lalo na para sa kanilang anak.

Guys, itong aking binahagi ay isa lamang ordinaryong kwento at simpleng nangyayari sa lahat ng mga OFW. Kung inyong babasahin ay parang wala naman katuturan ang kahihinatnan ang aking kwento dahil napaka simpleng istorya lamang. Subalit kung inyong susuriin at pag iisipan ng malalim ay napaka hirap ang mga pinagdadaanan ng mga OFW dahil sa lungkot at hirap ng kalooban na mahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay mabigyan lamang ng maayos na buhay ang pamilya at magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Masuwerte pa nga ang aking anak dahil magkakasama sila ng kanyang pamilya na aalis upang makapag trabaho sa labas ng ating bansa. Subalit mahirap din sa kanila ang buhay doon sa Middle East lalo na kung mayroon kang maliit na anak na kasama at pareho pa silang mag asawa na nag tatrabaho. Mahirap lalo na kung nagkakasakit ang kanilang anak hindi nila basta-basta maiiwan ang kanilang trabaho. At sa maghapon ay nasa sitter lamang ang aking apo kukunin lamang pagtapos ng kanilang trabaho. Subalit kapag "rest day" naman nilang mag asawa ay salitan sila sa pag aalaga sa aking apo. Dahil ang isa sa kanila ay kailangan magluto, maglaba, maglinis at gumawa ng iba pang gawaing bahay. Subalit iba rin syempre na nandito sila sa sarile nating bansa dahil may mga mahal sila sa buhay na handang mag malasakit ano mang oras na kanilang kailanganin.

Mga piling larawan na kuha ng nakaraang 1st birthday ng aking apo na ginanap sa Pilipinas.


 Larawan kuha ng pamilya sa kanilang pagbalik sa Middle East


 Ito na ang aking apo ngayon


Maraming salamat sa inyong lahat na bumisita at nag basa ng aking blog ngayon, sana mayroon kayong natutunan sa aking ibinahagi hindi ko man naipakita ng malinaw ang aking intension sa aking paglalahad ang buhay OFW nawa'y inyong naramdaman ang lungkot at sakripisyo ng pagiging OFW. At ang higit sa lahat proud ako sa nakikita kong paglaki ng aking poging apo.

GOOD DAY TO ALL..

If you wish, you may click the subscribe on the right side of my website for free notification of my new post. Once again.. Thank you all.. Regards and God Bless us..

Mga Komento