PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

OFW - FOOD TRIP: CRAVING FOR TURKISH FOOD

Good day everyone, it’s me again Lynn Garcia of senioritywise.. Thank you all for following my blog. You are all welcome to come back to my site. 

Guys as usual this is late upload, itong blog ko ngayon ay tungkol sa isang araw na nag crave kami ng bestie kong si Pay ng Turkish food. Medyo matagal-tagal na kasi kaming hindi nakapunta ng Turkish Restaurant. Kaya napagkasunduan namin na lumabas at i treat namin ang sarili namin ng Turkish food. Guys napakasarap kasi ng tinapay nila hindi ko alam kung ano ang pangalan ng tinapay na iyon ang tawag ko lang ay flat bread pero mahaba siya at malapad.
So, tumawag kami ng limousine (taxi) by phone at bumaba na lang kami sa housing complex at doon na lang kami naghintay sa ibaba. Hindi naman nagtagal ay dumating naman kaagad nagpahatid kami sa mas malapit na Turkish resto nagkataon naman na bago pa lang yung driver at hindi daw niya alam kung saan ang malapit. So, sabi ni bestie Pay i derecho lang niya yung daan sa Takhassusi pero hindi rin namin makita hindi namin alam kung nagsara na o sadyang mabilis lang mag drive ang driver pa dilim na kasi kaya ang hirap makita. Kabisadong kabisado ni bestie Pay iyon dahil ilang beses na sila kumain doon ng mga ka nusing team niya sa ward pero hindi namin makita naka ilang balik na kami so, sabi ko kay bestie kahit saan resto na lang na bukas kasi gutom na kami. Nang nagsalita ang driver sabi niya may alam daw siya na Turkish resto na bago malapit doon.. sa isip-isip namin may alam pala siya nagpabalik-balik pa siya. Sabi niya ang hinahanap niya yung pangalan na Turkish baka iyon daw ang gusto namin kasi yung alam niya ay iba ang pangalan pero Turkish food din ang sini serve doon. So, nagpahatid kami doon sa sinasabi niya at para ma try na rin namin.
Nang makarating kami ang pangalan ng resto ay MIKADO HOUSE hindi mo maiisip na Turkish resto dahil sa pangalan parang Chinese resto. Nasa 2nd floor pa pala yung restaurant. Sa ibaba iisipin mo na ordinary lang yung resto kasi simple lang yung pintuan na sliding door at hindi mo makikita yung nasa loob. Pag bukas magagandahan ka sa ambience dahil napaka elegante at may sasalubong sa iyong naka amerkana at i ga guide ka sa elevator. Sa isip-isip ko baka mapasubo kami ni bestie sa presyo ng pagkain.. inisip ko na lang bahala na paminsan minsan lang naman gumastos ng malaki.. bagong sweldo naman eh..hahaha.. pati yung elevator ang ganda puro salamin..at pag bukas may naka hilera na mga waiter na sasalubong sa iyo sa pintuan pa lang ng elevator.. At puro attentive lahat ng waiter ang nag assist sa amin ay ibang lahi hindi marunong mag English mabuti na lang nakakaintindi si bestie Pay ng Arabic so, nagtanong na lang kami kung may waiter na Filipino mabuti na lang at may kabayan at sinabi niya sa amin kung ano ang masarap at yung tamang order lang para sa aming dalawa ni bestie kasi malalaki daw yung mga servings nila.
Hindi ko alam kung anong pangalan ng pagkain na inorder namin ang pagkaluto ay grilled chicken at ang importante ay yung masarap na flat bread. So, ito na ang masarap na food.

Kung may bisita ako dito sa website ko na OFW na nasa Riyadh, try nyo rin kumain diyan masarap ang pagkaka luto nila sa chicken at saka cozy pa ang ambience at ang higit sa lahat mura lang abot kaya..
So, hangang sa susunod na blog ko, sana hindi kayo magsawa bumisita sa website ko. At maraming salamat sa inyong lahat sa pag bisita.
If you wish, you may click the subscribe on the right side of my website for free notification of my new post. Once again, thank you all.. Regards and God Bless us..

Mga kabayan, let me know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

 

Mga Komento