- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hello everyone, this is Lynn
Garcia of senioritywise.. Thank you all for following my blog. You are all
welcome to come back to my site.
Pasensya na kayo kung puro late upload ang mga blogs ko.. Tatapusin ko lang lahat ng mga ito gusto ko lang ipakita sa inyo yung time na nasa Middle East pa ako. Para naman maipasyal ko kayo at makita ninyo yung lugar kung saan kami kumakain ng aming lunch.
Sayang nga lang at hindi ko na picturan ang buong cafeteria. Itong time na kinuhanan ko ng picture ang canteen kasama ko diyan ang anak ko na si Olen. Late na nga ang lunch namin mga 2:30 pm na ng kami ay kumain dalawang magkasunod na araw kaming late nag busy kasi kaming pareho. Yung aming canteen hindi iyon katulad ng ordinary na kainan pag pumasok ka ay para kang nasa restaurant. Nang oras na iyan ay konti na lang ang kumakain kasi halos nakakain na lahat ang mga empleyado kaya maraming bakanteng lamesa.
Kadalasan ang mga pagkain doon ay Middle Eastern food. Meron mga araw na nag kakaroon ng Italian day na puro Italian dishes ang food at Chinese din. Depende kung anong maisipan nila na food of the day. At malalaki ang kanilang servings kaya kung hindi ka conscious sa diet ay tataba ka. Ang mga pwede lang na kumain sa canteen ay mga employee hindi pwede ang mga outsider. Pero, kung may bisita kami na taga ibang company ay pwede namin dalhin sila sa ibang restaurant na nasa loob din ng compound. Madalas dito sa canteen kumakain ang mga empleyado kasi mura ang mga pagkain. Maari ka rin mag order ng broasted chicken, burger, pizza & etc. kaya okey na rin..
Sa pagpasok mo pa lang sa canteen mga fruits, vegetables & salad kaagad ang makikita mo at pati ibat-ibang klaseng matamis. Self service kaya kami ang kukuha ng sarile naming tray, fork & spoon tapos mag tuturo ka na kung anong gusto mong food. Sayang nga lang at hindi ko nakuhanan ng pictures yung pagpasok kasi gutom na kami ng anak ko. Nakuhanan ko lang ng nakaupo na kami kaya nga maski paano ang pwesto ng kutsara at tinidor sa tray kasi hilo na kami sa gutom..hahaha..
Itong food ko chicken curry at vegetable soup at yung sa anak ko naman ang kilala ko lang ay salad at fried chicken at hindi ko na alam kung ano yung isa.
Ito naman ang pagkain namin ng sumunod na araw. Hindi ko alam kung anong luto iyan parang kanin na may munggo at meatballs yung nasa cup naman ay lentil soup. Masarap naman nasanay na rin ako kumain ng Middle Eastern food. Ang sa anak ko naman ay salad at may iba pang kasamang ulam na hindi ko alam kung ano..hahaha..masarap naman din daw sabi ng anak ko.
Mga friendship, sa susunod na muli.. sana huwag kayong magsawa na bumalik. Marami pa kasi akong aayusin sa set-up ng website ko kaya puro late upload lang ako.. Pag natapos na ang lahat at naayos ko na at na ready ko na ang iba kong materials ay sisikapin ko na pagandahin ang content ng blog ko ng sa ganoon sy hindi kayong mag sawa na bumalik.
Maraming salamat sa inyong pag bisita.. Regards to you all and Good day to everyone..
If you wish, you may click the subscribe on the right side
of my website for free notification of my new post. Once again, thank you all..
Regards and God Bless us..
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento