PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

MY LITTLE ANGELS PART I (UPDATES)

Hello everyone, it’s me again Lynn Garcia of senioritywise.. Thank you all for coming back and following my blog. You are all welcome to my site. 

Natatandaan nyo ba yung kauna unahan kong blog? Tungkol iyon sa aking tatlong apo na may part I&II. Para sa mga ngayon lamang naka bisita dito ay maaari ninyong balikan sa website ko yung unang blog ko na may title na "My Three Little Angels-Part I&II, upang inyong malaman ang umpisa ng aking blog.

Nang una akong nag blog sa apo kong si baby Bryce ay ganito pa lang siya ka bata siguro mga 5 or 6 na buwan pa lang siya dito. Siya ang unang anak ng panganay ko at sa Saudi pinanganak at hangang ngayon ay nandoon pa rin sila nakatira. Hindi nyo naitatanong precious baby ang apo ko na yan seven years ng kasal ang kanyang magulang bago siya ipinagbuntis ng mother nya. Pag pinapasyal siya ng ama niya sa aming opisina, ng nag tatrabaho pa ako sa Middle East ay pinagkakaguluhan siya ng mga ka opisina ko maging ng mga Arabiana sa amin. Tuwang-tuwa sila kay baby Bryce pinag papasa pasahan kasi hindi siya iyakin at nakangiti siya lage at titig na titig sa kung sino man ang kakarga sa kanya. Pinagkakaguluhan din siya ng mga PT staff kapag kasama siya sa pagsundo sa mother nya gustong-gusto siya ng mga staff doon lalo na ng mga puti.


Nang mga ilang buwan pa si baby Bryce nagiging madaldal na siya. Marami siyang sinasabi hindi nga lang maintindihan pero nakakatuwa siya habang dumadaldal. Kayo, tignan ninyo kung maiintindihan nyo ang sinasabi niya.. Ano daw?


Sa ngayon, malaki na ang improvement sa paglaki ni baby Bryce naglalakad na siyang mag isa at hindi lang basta lakad tumatakbo pa. At saka marunong na rin siyang kumain at magsubo ng pagkain ng sarile niya. Gustong-gusto niya panoorin ang cartoons na Mickey Mouse sa tv o Ipad niya sinasabayan pa niya ng pag sayaw. Nahihilig din siyang magkalikot ng sasakyan, take note hindi laruan kundi yung tunay na sasakyan. Medyo may kalikutan na siya ngayon at marunong ng mag tantrums lalo na pag sinasaway siya. Pero mabait at malambing siya sa mga magulang niya at sumusunod naman kaagad pag tinuturuan. Ito na ang cute at bibo kong apo ngayon.


At panoorin nyo ang apo ko in action.


Hangang diyan na lang muna tayo sa apo kong si baby Bryce itutuloy ko ang pag blog sa kanya after 5 months para makita nyo ang kanyang pag laki. Bukas, i post ko naman yung part II ng "MAY LITTLE ANGELS (update)". Dito, makikita nyo naman yung dalawang apo ko sa pangalawa kong anak. Meron din silang blog ng nakaraan kaya makikita nyo rin ang itsura nila ngayon sa susunod na blog ko.

Maraming salamat sa inyong lahat sa pag bisita.. nawa'y huwag kayong magsawang bumalik.. ingat kayong lahat and God Bless us..

If you wish, you may click the subscribe on the right side of my website for free notification of my new post. Once again, thank you all..

What can you say about this one? Let me know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.






















Mga Komento