- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hi there guys, its me again Lynn Garcia of senioritywise.. thank you all for following my blog. You are all welcome to comeback to my site.
Ang aking blog ngayon ay "late upload" ule.. iyan yung mga pangyayari sa aking buhay OFW sa Middle East. As usual tungkol pa rin sa pagkain kasi yan lang talaga ang aming paboritong past time ng mga ka bff ko. Pasensya na kayo kung puro late upload ang mga blog ko kasi may mga maganda akong memories diyan sa mga kwento ko.
Siya nga pala, hindi muna ako mag bibigay ng recipe ngayon, gusto ko kasi na i demonstrate sa inyo ang mga lutuin ng actual sa pamamagitan ng YouTube diba mas maganda iyon, para mas madaling matutunan kapag nakikita ninyo sa video. Sa ngayon hindi pa ako ready na mag demonstrate ng cooking sa video kasi medyo may mga inaayos pa ako para makapag consentrate na ako dito sa blog ko at mapaganda ko pa ang content ng website ko para sa inyong mga bisita ko.
Alam nyo naman siguro na lage kong nababangit sa mga nakaraan kong blog na ang paborito naming tambayan ay ang flat ng bestie ko na si Pay..so diyan ule sa kanya ang venue ng aking kwento.. isang araw ay napagkasunduan namin na magkainan at magdala ng kanya-kanyang lutong pagkain kung tawagin namin ay "potluck" dahil malapit na rin kaming mag retire ng bestie kong si Pay kaya nagkasundo kami na magkainan. Kanya-kanya kaming dala ang niluto ko ay pancit bihon dahil na rin sa request ng bestie kong si Pay mis na raw niya ang luto kong pancit. Ang kay Pay naman ay buttered shrimp, at sa iba naman naming kaibigan na si Rubie ay cheesecake at leche plan, kay Rona naman ay vegetable spring rolls at yung South African nilang kasama (sorry nakalimutan ko ang pangalan), nagdala ng roast chicken at cakes. Sa picture, hindi nyo sila makikita kasi mga camera shy at alam kasi nila na ilalagay ko iyan sa blog ko.
So, iyon lang ang aming mga pagkain, pero happy na kaming lahat.. hindi nyo nga lang makikita sa picture ang mga ibang nabangit kong pagkain kasi naka focus ang camera sa cheesecake na pagkasarap sarap kahit hindi kagandahan at appetizing ang presentation ng toppings..ay naku i swear ang sarap..yummy talaga.. na mis ko na nga eh..hahaha..
Narito ang mga pictures ng mga pagkain na aking nabangit, kung paano ang pagkaka picture ko ay ganyan din ang ayos ng aming pagkain..
Sa susunod na blog ko ay i to-tour ko naman kayo sa aming tirahan sa pamamagitan ng mga pictures hindi kasi naka video pasensya na.. para makita nyo naman yung aming accommodation.
Maraming salamat sa pag bisita nyo sa aking website. Nawa'y hindi kayo magsawa magbasa ng aking blog.. Balik kayo ule ha.. Kung meron kayong suggestions or comments please don't hesitate to send me an email at senioritywise@gmail.com.
If you wish, you may click the subscribe on the right side of my website
for free notification of my new post. Once again.. Thank you all..
Regards and God Bless us..
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento