- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hello everyone, its me again Lynn Garcia of senioritywise.. I would like to thank you all for following my blog. You are all welcome to comeback always to my site. If you wish, you may click the subscribe on the right side of my website for free notification of my new post. Once again.. Thank you all.. Regards and God Bless us..
Ngayong gabi, 11 August 2016 ang flight papuntang Pilipinas ng aking anak na si Loraine kasama ang kanyang asawang si Dan at anak na si baby Bryce. First time ni Loraine mag bakasyon after 2 years of working in the Hospital as OFW at ganoon din si baby Bryce. Ang husband ni Loraine ay matagal ng OFW nauna siyang mag work sa Middle East kung kayat naka ilang balik na rin siyang nag babakasyon taon-taon sa Pilipinas.
Siya nga pala, si baby Bryce na aking apo ay mag 11 month na sa 14th August. Kaya sa Pilipinas na siya mag celebrate ng 1year old nya sa September at doon na rin sa Pilipinas gaganapin ang kanyang binyag. Hindi ninyo naitatanong, precious baby si Bryce. Noon ang akala ng anak ko ay hindi na siya magkaka anak kasi 8years na silang kasal ay hindi pa rin siya nagkaka anak. At mas lalong nawalan siya ng pagasa mag kaanak ng mag trabaho sa Middle East ang kanyang asawa na si Dan. Hangang sa awa ng Diyos nagkaroon ng pagkakataon si Loraine na makapag trabaho sa Middle East at sa pareho rin na pinapasukan ng kanyang asawa.
At ang sumunod ay natupad na ang inaasam asam na pangarap nilang mag asawa at dito sa Saudi nabuo si baby Bryce. Ang buong pamilya namin at pamilya ng kanyang asawa ay natuwa sa magandang balita maging ang kanilang mga kaibigan..answered prayer ika nga.. Dahil sa galak ay napaiyak sa tuwa nang ipanganak si baby Bryce ng una siyang nakita ng kanyang ama na si Dan. At si Loraine naman natupad na rin ang kanyang pinaka hihintay-hintay na anak kung kayat mahal na mahal nilang mag asawa ang kanilang nag iisang anak.
Sa mga oras na isinusulat ko itong blog ay nasa himpapawid na ang mag pamilya. Si Loraine na anak ko ay ang pinaka excited dahil makikita na niya ang kanyang mga kapatid at mga kaibigan. At higit sa lahat makakapag pahinga siya ng panandalian sa mga stress ng kanyang trabaho. Sabi nga nya sa akin na mimis na nya ang Pilipinas.
Sa totoo lang kung hindi nga lang mahirap ang buhay sa Pilipinas ay hindi ko gugustuhin na mag OFW napaka hirap mawalay sa pamilya lalo na sa mga anak na maiiwan. Kung kaya't ang pinakamasarap at masayang araw ay sa tuwing mag babakasyon kaming mga OFW.
Sa mga OFW na kasama ang kanilang pamilya ay masasabi kong ma swerte dahil kasama nilang lumalaki ang kanilang mga anak sa piling nila kahit na nasa ibayong bansa sila namamasukan. Subalit napakahirap bumuhay ng pamilya sa ibang bansa lalo na kung parehong nagta trabaho ang mag asawa dahil ihahabilin lang ang anak sa sitter maghapon. Kukunin lang ang anak pag tapos ng trabaho. Lalo na kung magkasakit ang isa dahil napakahirap kumilos dito sa Saudi lalo na kung walang kamag anak na dadamay. Sa mga pamilya naman na nasa Pilipinas kahit na kinukulang sa budget kung minsan, ang mahalaga ay magkakasama ang buong pamilya. Subalit mas bilib ako sa mga magulang o pamilya na naigapang ang edukasyon ng kanilang mga anak kahit mahirap ang buhay sa ating bansa.
Sa mga OFW naman na nag iisa at malayo sa kanilang mahal sa buhay, ay talagang masasabi kong napakahirap kung kayat kinakailangan na kami na rin ang gumagawa ng paraan upang hindi kami dalawin ng homesick. Salamat sa modernong technologiya at kahit paano ay nakakapag communicate kami sa aming mahal sa buhay kahit anong oras. Subalit iba pa rin kung nakakasama ang mga mahal sa buhay ng personal kung kayat kaming mga OFW ang bakasyon ang pinaka masayang araw sa amin, hinihintay at pinag iipunan upang sa pag uwi ay mapasaya ang aming pamilya.
Sa susunod aking iba blog ang 1st birthday celebration ng aking apo na si baby Bryce at pati na rin ang kanyang binyag sa Pilipinas. Kaya inyong subaybayan ang family vacation nilang mag pamilya. Hangang sa susunod na post ko.. Maraming salamat po.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento