- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Hello there, this is Lynn Garcia
of senioritywise blog.. Nais kong ibahagi sa inyong lahat ang aking paminsan
minsang pangyayari sa aming buhay OFW dito sa Middle East.
Ngayong araw, ang kaibigan kong
nurse na si Payapa ay naka dayoff. “Pay” for short ang pangalan niya. Usually,
kapag wala siyang duty sa Hospital or walang OT ay nagluluto siya ng pagkain
para sa aming dalawa. Kahit anong maisipan niyang lutuin na trip niya ay
magluluto siya. Actually, may kanya-kanya kaming flat na solo naming tinitirhan
na "provided" ng aming pinapasukang hospital. Madalas pag naka off si Pay ay
iniimbita niya ako sa kanyang flat at doon kami nagkakainan at kung minsan pag
naka off din yung iba niyang kasama sa ward ay kasama din namin sa kainan.
Kapag araw ng Biyernes at Sabado
lamang ako walang pasok kaya kung minsan hindi rin kami nagkikita dahil madalas
ay naka night duty siya maliban lamang kung mataon sa araw ng Biyernes at
Sabado na wala siyang pasok. Kaya, kung wala siyang duty ng Biyernes at Sabado
ay siya ang kasama ko pag lumalabas para mag shopping, grocery at syempre
kumain na rin sa paborito naming kainan (sa totoo lang madalas siya ang nang lilibre
sa akin ng food..hahaha).
Habang ako ay nasa trabaho,
tinawagan ako ni Pay at sinabi niya na nagluto daw siya ng pinakbet at pritong tokwa para pagsaluhan namin pagtapos ko sa trabaho. Ganyan, lang ang routine naming dalawa ni Pay kapag
day off siya. Take note, walang kanin.. kapag siya ay nagluluto kahit anong
pagkain mapa kare-kare, paksiw na bangus o nilagang baka ay walang kanin hindi dahil sa wala
siyang bigas kundi talagang ganyan siya kumain nasanay na siya for so many
years na hindi kumakain ng kanin kaya naman napaka sexy ng kaibigan ko "slim na slim ika nga" kaya pati ako natuto na rin kumain ng walang
kanin baka sakali maging tulad ko din siya..hahaha..
Hustong 5:30 ng hapon nakauwi ako sa housing ko, nagpahinga sandali at pumunta na ako sa kanyang flat (nakakahiya naman kasi sa kanya kung paghihintayin ko pa siya..hahaha). Bumungad sa akin ang napaka bango at napakasarap nyang luto na pinakbet at malutong na piniritong tokwa na may sawsawan na apple cider vinegar at may halong toyo, sibuyas at sili. Nabusog talaga ako kahit walang kanin pritong tokwa at pinakbet ayos na sa amin, ang panghimagas ay prutas na ubas (mura lang kasi dito sa Middle East). Siya nga pala bago ako nagpunta kay Pay sabi ko sa kanya picturan nya ang niluto nya para malagay ko sa blog ko. Kaya eto yung napakasarap nyang luto:
Sa mga gustong malaman kung paano magluto ng pinakbet narito ang recipe:
PINAKBET
(Filipino shrimp with vegetable stew)
Mga sangkap:
¼ kilo shrimps (linisin balatan o hindi balatan)
1 tasa tubig
3 kutsara ginisang bagoong alamang (dagdagan ayon sa panlasa)
3 kutsara mantika
2-3 butil ng bawang (dinikdik o hiniwa ng pino)
1 maliit na pirasong luya (pwedeng wala)
1 maliit na sibuyas (hiwain na pangisa)
1 kamatis katamtamang laki (hiwain na pangisa)
1 talong katamtamang laki (hiwain ayon sa gustong laki)
1 ampalaya (tangalin ang buto at hiwain ng pahaba na ayon sa gustong laki)
¼ kilo kalabasa (hiwain ng pa kuwadrado ayon sa gustong laki)
¼ kilo okra (5 piraso na katamtaman ang laki)
¼ kilo okra (5 piraso na katamtaman ang laki)
¼ kilo sitaw (hiwain ng ayon sa gustong haba)
asin (panglasa)
Instruksiyon:
1.
Initin ang kawali o kaldero
lagyan ng 1 kutsarang mantika. Igisa ang hipon ng 2 minuto hangang mag pula at
ihalo ang bagoong ilipat ang nilutong hipon sa isang plato at itabi.
2. Gamitin ang pinaglutuang
kawali or kaldero, lagyan ng nalalabing 2 kutsarang mantika. Ilagay ang luya,
sibuyas, bawang at kamatis igisa ng 1 minuto. Ihalo ang talong at tubig, takpan
at pakuluin ng 5 minuto.
3. Ilagay ang lahat ng
natitirang gulay, takpan at pakuluin ng 5 minuto or hangang sa maluto ang mga
gulay. Haluin ng bahagya ang niluluto.
4. Ilagay ang nilutong hipon
na may bagoong, pakuluin ng 1 minuto at lagyan ng konting asin pampalasa (kung
kulang sa lasa).
5.
Ilipat sa bandehado.
6. Kainin ng may kasamang
bagong luto na kanin.
Paalala: Kung gustong maramihan ang luto doblihin ang mga sangkap. Ang paraan ng pag luluto ng pinakbet ay depende sa kanya-kanyang recipe. Try nyo itong recipe na ito siguradong magugustuhan ninyo. Enjoy eating..
Paalala: Kung gustong maramihan ang luto doblihin ang mga sangkap. Ang paraan ng pag luluto ng pinakbet ay depende sa kanya-kanyang recipe. Try nyo itong recipe na ito siguradong magugustuhan ninyo. Enjoy eating..
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento