PAANO MAGLUTO NG GINATAANG SANTOL (SIDE DISH NA PANG NEGOSYO)

FOOD TRIP - BUHAY OFW: GANITO KAMI PAG WALANG PASOK

Hi everyone, this is Lynn Garcia of Senioritywise.. I would like to thank you all for visiting my site. As of this time I have already reached 2,000+ pageviews. Thank you for your continued views.. You are all welcome to keep on coming back to my site. You may wish to subscribe to receive free notification for new updates on senioritywise blog. Wish you all in good health always and God Bless us.

Itong nakaraang Biernes, 5 August 2016 ay "day off" ko at nagkataon din walang duty ang aking bff na nurse na si Pay. Pagkalabas pa lang namin sa aming trabaho ng gabi ng Huwebes, 4 August 2016, ay nagpunta na kami sa Supermarket para bumile ng mga kailangan namin, katulad ng shampoo, sabon, toothpaste etc. at pagkain na mailuluto. Nakauwi kami ng 11:00 ng gabi sa aming kanya-kanyang flat kung kaya pagod at namitig ang aking binti sa maghapong nakatayo at kakaikot sa supermarket (mula pa ng umaga sa office). Pero si Pay, chicken lang sa kanya wala man lang kapaguran palibhasa sanay siya sa maghapon nakatayo at kalalakad sa kanilang ward kaya nakagawa pa siya ng shanghai para mailuto sa pananghalian namin kinabukasan. Napagkasunduan namin na hindi muna kami lalabas ng Biernes at pahinga na muna kami sa 5 araw na trabaho.

Dahil sa wala kaming pasok ng Biernes at Sabado ni Pay hindi na kami lumabas kaya nagluto na lang kami ng aming kakainin sa tanghalian kaysa lumabas ng bahay para mag shopping sa mall at kumain sa labas (para tipid). Nagluto si Pay ng dalawang putahe isang chicken wings adobo na may atay at puso ng manok at nilagang itlog. Yung pangalawa ay chicken shanghai. Ako naman ang niluto ko ay ginisang upo na may halong hipon at sotanghon. As usual walang kanin.. nasanay na rin akong kumain ng walang kanin pag kasama ko si Pay. Ginawa namin kanin yung gulay na upo na niluto ko. Ay naku ang sarap ng kain namin.. palibhasa tuwing "rest day" lang kami nakakakain ng lutong bahay. Nabusog kami kahit walang kanin..(hindi puwede gawin sa Phil yan nagpapapak ng ulam..
hahaha).

Ang aming tanghalian ng nakaraang Biyernes, 5 August 2016.

Chicken Wings Adobo na may Atay at Puso ng Manok at Itlog

Chicken Shanghai

Ginisang Upo na may Hipon at Sotanghon

Hindi pa man natatapos ang pananghalian namin pinag uusapan na kaagad namin ni Pay ang aming meryenda..hahaha.. Ganyan lang naman kaming mga OFW food trip lang pang pawi ng homesick. Yung pang merienda naman namin ay ako ang nagluto spaghetti at saging na turon.

 Ang aming merienda Spaghetti at Turon (saging)

Ang mga pagkaing niluto namin ay mga simpleng putahe lang at hindi naman kinakailangan na kumpleto ang mga rekado para makagawa ng masarap na lutuin. Dati kapag gusto kong magluto ng kahit anong putahe hindi ako magluluto kung hindi kumpleto ang rikado. Subalit nalaman ko na kahit kulang ang rekado ay puwede rin naman pala basta may ipapalit ka lang kung ano ang kulang. Halimbawa kung wala kang tomato sauce puwede mong ipalit ang fresh na kamatis. Kahit ang adobo kung wala kang bawang or sibuyas puwede mong ipalit ang luya. At marami ka pa rin naman na maluluto na masarap na pagkain na hindi naman kamahalan ang mga rekado.

Sa mga gustong malaman ang recipe ng adobong chicken wings, chicken shanghai, ginisang upo na may sotanghon at turon na saging ay narito ang mga recipes:
 
Chicken Wings Adobo (with chicken heart & liver)
 
Mga Sangkap:

½ kilo chicken wings
(o kahit anong parte ng hiniwang manok)
¼ kilo atay ng manok
¼ kilo puso ng manok (puwedeng wala)
5-6 nilagang itlog (puwedeng wala)
1 katamtaman laki na sibuyas (hiwain katulad ng pangisa)
5-7 butil na bawang (pitpitin)
4 kutsarang toyo (dagdagan kung kulang sa alat)
4-5 kutsarang suka (dagdagan kung gustong maasim)
1 kutsaritang paminta
(puwedeng durog o buo)
1-2 kutsarang asukal
3 kutsarang mantika
1 tasang tubig


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola lagyan ng mantika sa katamtaman init ng kalan.

2. Igisa ang sibuyas at bawang hangang sa lumabas ang amoy.

3. Ilagay ang manok haluin ng bahagya at isangkutsa ng 5-10 minuto.

4. Ilagay ang ½ tasang tubig haluin at takpan pakuluin hangang sa lumambot ang manok.

5. Kapag medyo nabawasan ng konti ang tubig at ilagay ang puso ng manok pakuluin ng 5-10 minuto at ilagay ang atay ng manok.

6. Kapag natutuyo ang tubig dagdagan ng ½ tasang tubig at toyo hangang sa maluto ang puso at atay ng manok.

7. Ilagay ang asukal at paminta pakuluin at ilagay ang suka pakuluin hangang sa maluto at maging malapot ang sarsa ng adobo at ilagay ang nilagang itlog.

8. Kung gusto nyong maraming sarsa dagdagan ang tubig ng ayon sa gusto nyong dami ng sarsa pakuluin muli at ihain ng mainit.

 
CHICKEN SHANGHAI

Mga sangkap:

½ kilo giniling na manok
½ tasa dahon ng sibuyas (hiwain ng katamtamang pino)
1 katamtaman laki na sibuyas (hiwain ng pino)
1 malaki na carrots (balatan at gadgarin ng katamtamang pino)
1 katamtaman laki ng tangkay ng celery (hiwain ng pino)
3 kutsarang pasas (hiwain ng maliit bawat butil)
5-6 butil na bawang (balatan at hiwain ng pino)
1 kutsarang asin (dagdagan ng ½ kung kulang sa lasa)
1 kutsaritang paminta
50 piraso na springroll wrappers
Mantika (pang prito)
 
Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang malukong ay paghaluin lahat ng mga rekado maliban sa mantika at
     wrappers.

2. Paghiwalayin ang mga wrappers bawat isa takpan ng plastic para hindi
    manigas.

3. Kumuha ng isang pirasong wrapper at lagyan ng hinalong manok ng tig 1
    kutsara at ikalat ng pahaba na paguhit sa gitna ng wrapper at itupi ang wrapper
    upang matakpan ang giniling na manok at irolyo ang wrapper hangang sa
    umabot sa kabilang dulo ng wrapper. Dampian ng konting tubig upang masara
    ang wrapper. Ulitin hangang sa maubos ang lahat ng wrappers. Hiwain ng 2-3
    hati ang bawat isang hilaw na shanghai (ayon sa kagustuhan ninyong haba).

4. Ihanda ang frying pan at sa katamtaman init lagyan ng mantika na at prituhin
    ang lumpia huwag pagsabay sabayin ikutin maminsan minsan hangang sa
    maging malutong at magkulay “golden brown”.Tangalin sa mantika at ihain ng
    may kasamang“sweet and sour sauce” or“ketchup”.

 
GINISANG UPO NA MAY SOTANGHON

Mga Sangkap:

1 katamtaman laki na upo (hiwain ng maliliit na pa kuadrado o pahalang)
¼ kilo hipon (linisin, balatan at hiwain ng maliit)
4-5 butil na bawang (pitpitin at hiwain ng pino)
1 maliit na balot na sotanghon (kalahating palad ang laki ng balot at ibabad sa tubig)
1 katamtaman laki na sibuyas (hiwain ng mainpis na pangisa)
2 katamtaman laki na kamatis (hiwain na pangisa)
3 kutsarang mantika
½ kutsaritang asin (dagdagan ng ayon sa panglasa)
½ kutsaritang durog na paminta
2-4 tasang tubig

Paraan ng pagluluto:
1. Ihanda ang kaserola ilagay ang mantika sa katamtamang apoy at igisa ang sibuyas, bawang at kamatis.

2. Ilagay ang hipon haluin ng bahagya, ilagay ang tubig hintaying kumulo at tangalin and sotanghon sa pagkababad sa tubig, ilagay at hintayin kumulo.

3. Ilagay ang hiniwang upo, takpan ang kaserola at pakuluin ng 6 minuto.

4. Idagdag ang asin at durog na paminta.

5. Ihain ng mainit.

Karagdagang kaalaman: Kung walang hipon puwede nyong ipalit ang sardinas isang maliit na lata ng sardinas ay maari ng isahog. At kung walang sotanghon puwede nyong ipalit ang miswa.


TURON NA SAGING

Mga sankap:

5-7 pirasong saging na saba (dagdagan kung gusto ng marami)
pulang asukal (puwedeng gamitin ang puting asukal)
pambalot ng lumpia
langka (minatamis/hilaw - puwedeng wala)
½ tasang tubig (para pangsara sa lumpia wrapper)
mantika (pang prito)

Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ng apat na bahagi ang saging na saba ng pahaba.

2. Ihanda ang pambalot ng lumpia, ilagay ang 2 hating saging at lagyan ng isang kutsaritang asukal, lagyan ng ilang pirasong langka at balutin ng pa rolyo itupi ang magkabilang dulo at irolyo hangang sa dulo, dampian ng tubig ang dulo ng lumpia para maisara.

3. Higpitan ang pag balot ng wrapper ng sa ganoon ay hindi masyadong mamantika ang inyong turon.

4. Iprito sa mantika na katamtaman ang init hangang maging golden brown ang kulay.
 
Karagdagang kaalaman: Puwede ninyong budburan ng konting asukal ang turon habang piniprito sa katamtamang apoy hangang sa maluto upang magkaroon ng malutong na asukal sa ibabaw ng turon. Para maging especial ang turon bago ninyo hanguin ang turon na may asukal na tunaw sa paligid ay budburan ninyo ng sesame seed at tangalin kaagad sa apoy at ihain ng mainit.

 
HAPPY EATING!









Mga Komento